Agad na nakuha na aklat na ito ang aking pansin habang ako ay nasa Powerbooks habang namilili ng mga aklat. Isang kulay rosas na aklat na maihahalintulan sa mga Precious Hearts Romances na usong-usong binabasa ng mga Teh, yaya, Bisaya at mga Call Center Agents (pronunciation: kO sEn@ eɪ.dʒɛnt / co sener agent).
Dahil malapit na ang araw ng mga puso, bumili ako ng espesyal na aklat ni Bob Ong na pinamagatang Lumayo Ka Nga Sa Akin (ISBN: 978-9710-54509-4). Sana ay maikapit ko sa aking pamumuhay ang mga mababasa ko sa aklat na ito at makapulot ako ng mga gininituang asal.
Mula sa kasumpa-sumpang kahirapan at kalunos-lunos na kaignorantehan sa mundong kanyang kinagisnan, namulat si Marie sa tunay na mukha ng matamis at mapagpakasakit na pag-ibig. Ngunit makakayanan niya ba ang mga hamon ng bukas? Ano ang kanyang magiging kapalaran? Huwag na huwag palampasin ang mga tagpo ngayong gabi sa telesineseryenobela na kumpleto sa mga pang-aapi, paghihiganti, impostor, amnesia, kasal at diary!
Happy Valentines Day!


