The Drunk/Stoned Goodmorning Look
Nag-inuman kami ng tropa ko kagabi sa Cubao X. Ito ang pinakaunang beses na umuwi ako ng sobrang lasing sa bahay. Pakiramdam ko na ang lahat ay slomo at parang may motion blur sa Photoshop. Pinipilit kong sabihin sa sarili ko na hindi ako lasing habang kinakanta ko ang Blackout ng Breathe Carolina, _ “I’m only getting started, I won’t blackout.”


